LIVE-IN PARTNERS PATAY SA HOLDAPER

CAVITE – Patay ang mag-live in partner makaraang pagbabarilin ng hinihinalang holdaper habang lulan ng kanilang tricycle sa Bacoor City nitong Martes ng madaling araw.

Wala nang buhay nang matagpuan sa pinangyarihan ng insidente ang mga biktimang sina alyas “Rey”, 54, at alyas “Elvira”, 46, kapwa mga negosyante, at residente ng Brgy. Molino 3, Bacoor City, Cavite, dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Ayon sa ulat, dakong alas-12:30 ng madaling araw nang umalis sa kanilang bahay ang mga biktima sakay ng kanilang tricycle na may plakang 2240LH, patungo sa Zapote market para mamili ng mga paninda.

Nabatid mula sa isang saksi, pagsapit sa Zaragosa St., Brgy. Molino 3, Bacoor City, Cavite, pinagbabaril umano ang mga ito ng suspek.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek

Sa inisyal na imbestigasyon, hinihinalang holdap ang motibo dahil nawawala ang pulang shoulder bag na dala ng mga biktima na naglalaman ng P40,000.

Nagsasagawa ng backtracking sa Closed Circuit Television (CCTV) camera ang mga awtoridad sa dinaanan ng suspek para sa posibleng pagkakakilanlan nito.

(SIGFRED ADSUARA)

67

Related posts

Leave a Comment