MAG-INA PATAY SA SUNOG

NASAWI ang 62-anyos na ginang at kanyang anak matapos makulong sa nasusunog nilang bahay sa Ormoc City, Leyte madaling araw ng Linggo, ayon sa Bureau of Fire Protection.

Sa inisyal na ulat na ibinahagi ng Ormoc City PNP at mga arson prober ng BFP, kinilala ang mga biktima na sina Belen Sumalinog, 62 at Lyndon Sumalinog Mendoza, 36-anyos.

Sinasabing hindi kaagad nakalabas ng kanilang bahay ang mag-ina nang magsimulang lamunin ng apoy ang kanilang tinitirhan na nasa  Barangay Cogon, alas-2 ng madaling araw.

Sinubukan umano ng mga kapitbahay na iligtas ang mag-ina subalit malaki na ang apoy nang magising sila.

Napag-alaman na walang ibang kasama sa bahay ang mga biktima nang mangyari ang sunog.

Bukod sa bahay ng mag-ina ay may dalawang bahay pang nadamay sa sunog na idineklarang fire out bandang alas-4:02 ng madaling araw.(JESSE KABEL)

Related posts

Leave a Comment