MARIJUANA-FLAVORED VAPES NAGKALAT – PDEA

BINALAAN ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang publiko hinggil sa mabilis na pagkalat ng marijuana-laced electronic cigarettes o vape.

Ayon kay Director Derick Carreon, PDEA Public Information office chief, lumitaw sa kanilang huling anti-illegal drugs operations na lubhang nakaaalarma ang pagtaas ng presensya ng vaping products na may marijuana oil, sa mga lansangan.

Sa magkakahiwalay na pagsalakay nitong nakaraang linggo ng pinagsanib na pwersa ng PDEA Special Enforcement Service (SES); Regional Office-National Capital Region-Southern District Office Investigation Service, katuwang ang Taguig City Police, naaresto ang dalawang drug personalities na nahulihan ng cannabis oil at marijuana kush, at iba’t ibang vaping devices, na may estimated street value na umabot sa P842,000.

Nitong nakalipas na linggo rin ay nasabat ng PDEA at Bureau of Customs ang 18 balikbayan boxes na naglalaman ng cannabis oil at marijuana kush na nakatago sa e-cigarettes na umabot sa P337 million ang halaga, sa Port Area, Manila.

“The selling and smuggling of marijuana oil-cartridges indicate that there is a growing domestic demand for these products. Considering that the vaping culture is predominantly popular among the youth, PDEA is wary that these cannabis extracts can passed off as a legitimate vape aerosol in the market and sold to the younger patrons,” pahayag ni Director Derick Carreon.

Nagbabala rin ang PDEA sa publiko na huwag tangkilikin ang kumakalat ngayong marijuana-laced e-cigarettes dahil sa dala nitong peligro sa kalusugan bukod pa sa mahigpit itong ipinagbabawal ng batas.

(JESSE KABEL RUIZ)

50

Related posts

Leave a Comment