MGA LGU HINIMOK TUMULONG SA PAGPAPALAKAS NG FOOD TOURISM SA BANSA

HINIMOK ni Senador Nancy Binay ang mga lokal na pamahalaan na tumulong sa pagpapalakas ng turismo sa bansa sa pamamagitan ng pag-aangat ng kalidad ng street food experience para sa mga locals at mga turista.

“Actually, untapped tourism potential ang street food culture. Dapat sinusuportahan natin yung mga maliliit na mga manininda kasi mahalagang bahagi din sila ng lokal na ekonomiya. The LGUs can help identify vending and no-vending zones para maayos din ang daloy ng tao at trapiko–lalo na ngayong buhay-na-buhay ang street food adventure,” saad ni Binay.

Binigyang-diin ni Binay na malaking bahagi ng inisyal na impresyon ng mga turista ang culinary experiences nila na isa rin sa dahilan ng promosyon ng mga turista sa iba pang turista.

“Dahil na rin sa mga food vlogs sa social media, mas nakikilala na ang ating local food culture, lalo na yung mga fusion street foods na talagang dinadayo ng mga foodies at turista. Pinoy street food is not just a culinary experience but also an important part of the Filipinos’ cultural and tourism landscape na maipagmamalaki natin. Kaya mahalagang naririyan din at nakaalalay ang LGUs,” giit pa ni Binay.

Ipinaalala ni Binay na marami sa mga street food hawkers at vendors ang napipilitang okopahan ang mga sidewalk at iba pang public spaces dahil bigo ang mga LGU nna bigyan sila ng maayos at malinis na lugar.

Marami sa mga vendor ang takot palagi sa eviction, demolition, at harassments.

Iginiit ni Binay na dapat magkaroon ng training sa mga food hawkers kasama na ang sanitation at safety practices, food preparation, handling at serving.

“Di ba, sa Taipei, Bangkok, Singapore, Da Lat (Vietnam), KL’s Bukit Bintang and Jalan Alor, Seoul, Hongkong at ibang Asian countries, talagang dinadayo ang mga yan dahil sa street food nila?

Kailangan lang natin ayusin at i-level up ang mga ganitong food markets, at tulungan din natin silang i-promote as a culinary destination. Marami tayong local flavors worth showcasing to the world,” diin pa nito.

Lumitaw na rin anya sa mga pag-aaral na malaking impluwensya sa turismo ang positibong food experiences.

“Sa totoo lang, we can draw valuable lessons from best practices observed in Iloilo, Bacolod, Pasig, or Makati, where strict adherence to food sanitation protocols ensures hygiene, food quality standards, and consumer safety blending it with tourism. Madalas kasi, ang tingin natin sa hawkers ay urban blight, eyesore, public nuisance, at cause of traffic–but they actually play a significant role as a culinary attraction ” diin ni Binay.

(DANG SAMSON-GARCIA)

 

35

Related posts

Leave a Comment