MGA PILIPINO SA ISRAEL PINAG-IINGAT

INALERTO at pinayuhan ng masusing pag-iingat ng Embahada ng Pilipinas sa Israel ang mga Pilipino dahil sa tumitinding banta sa seguridad ng bansa kasunod ng pag atake ng Iran gamit ang mahigit isang daang weaponized drones kahapon.

Ayon sa Embahada, mabuting umiwas muna ang mga Pinoy sa Gaza envelope at mga lugar na malapit sa confrontation line para sa kanilang kaligtasan.

Kinumpirma ng Israeli army official na nagpakawala ang Iran ng mahigit 100 attack drones at missiles sa direksyon ng Israel kaya pinayuhan ang taong bayan na maging handa sa pagkukubli sa mga air shelters.

Inabisuhan din ng Embahada ang publiko at mga Pinoy na umiwas sa mga matataong lugar o outdoor settings.

Ang pag-atake ay kasunod ng pangako ng Iran na gaganti sa airstrike na iniuugnay sa Israel na gumiba sa consulate building ng Iran sa Damascus, Syria.

Sa naturang strike, pitong military advisers ang namatay kabilang na ang tatlong top commander ng revolutionary guard ng Iran.

Samantala, ligtas namang nakatawid sa Dominican Republic ang isang Pinoy kasama ang 27 Chinese national dahil sa nagpapatuloy namang kaguluhang nangyayari sa Haiti.

“As the crisis in Haiti continues, China not only protects her own citizens but also extends a helping hand to a Pinoy in need. In the most recent repatriation of Chinese citizens in Haiti, a Filipino citizen found safe passage to the Dominican Republic along with 27 other Chinese nationals, thanks to the diligent efforts of the Chinese Ministry of Foreign Affairs and the Chinese Embassy in the Dominican Republic.”

Ayon sa Embahada ng China, ang repatriation ay hindi lamang sa mga Chinese kundi maging sa ibang nasyonalidad.

Kasama sa mga tumulong ang Chinese Ministry of Foreign Affairs at Chinese Embassy sa Dominican Republic.

Sa ngayon, patuloy ang kanilang ginagawang evacuation hindi lamang ng kanilang mga nasasakupan kundi maging ang publiko na nais na makalabas ng Haiti.

“We continue to showcase China’s sense of responsibility as a major country, to take “diplomacy for the people” as our guiding principle, and to jointly build a community with a shared future for mankind,” ayon sa mensaheng ibinahagi ng Chinese Embassy sa Pilipinas.

(JESSE KABEL RUIZ)

49

Related posts

Leave a Comment