TAAL VOLCANO NAGTALA NG PAGSABOG

NAKAPAGTALA ng panibagong phreatic eruption noong Biyernes sa Taal Volcano ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, naobserbahan nila ang isang phreatic, o steam-driven, na pagsabog sa Taal Volcano main crater sa pagitan ng 5:11 a.m. at 5:24 noong Biyernes ng umaga, Abril 12.

Sa datos ng Phivolcs, ang pagsabog ay nagdulot ng puting steam-laden plume, na umabot sa 2,400 metro ang taas bago lumipad sa direksyong timog-kanluran.

“The phreatic event was likely driven by the continued emission of hot volcanic gases at the Taal Main Crater and could be succeeded by similar phreatic activity,” babala ng seismic bureau batay sa seismic, visual and infrasound records ng Taal Volcano Network.

Gayunpaman, binanggit nito na ang background na antas ng aktibidad ng lindol ng bulkan at ang deformation ng lupa na nakita sa Taal, ay nagpapahiwatig na ang kaguluhan ay malabong ma-develop tungo sa isang magmatic eruption.

Ipinaliwanag ng Phivolcs na ang Taal Volcano ay nananatili sa Alert Level 1, na nagpapahiwatig na ito ay nasa abnormal pa rin at hindi dapat bigyang-kahulugan na huminto sa kaguluhan o banta ng eruptive activity.

Idinagdag ng Phivolcs na ang mga biglaang steam-driven o phreatic explosions, volcanic earthquakes, maliit na buga ng ashfall, at potensyal na nakamamatay na buildup o release ng volcanic gas, ay pawang mga potensyal na banta sa Taal Volcano Island (TVI) sa Alert Level 1.

Ipinaalala ng Phivolcs, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa TVI, ang permanenteng danger zone ng Taal, partikular na malapit sa Main Crater at Daang Kastila fissure.

Kaugnay nito, inulat ng Phivolcs na nananatiling nasa alert level 1 ang bulkan. Ibig sabihin, ang bulkan ay nasa abnormal na kondisyon pa rin at hindi dapat bigyang kahulugan na wala na itong banta ng pagsabog.

(JESSE KABEL RUIZ)

70

Related posts

Leave a Comment