MISIS UMINOM NG LASON SA TAGAYAN

PATAY ang isang 32-anyos na ginang makaraang uminom umano ito ng lason habang nakikipag-inuman sa kanyang asawa at sa isang lalaki sa kanilang bahay sa Mayhaligue Street, Sta. Cruz, Manila noong Linggo ng hapon.

Kinilala ang biktimang si “Priscilla”, may asawa at residente sa naturang lugar.

Base sa ulat na isinumite ni Det. Charles Benson Dela Torre kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang alas-5:10 ng hapon nang mangyari ang insidente.

Napag-alaman, habang nakikipag-inuman ang biktima at ang asawa nito, kasama ang isang lalaki, nang bigla umanong uminom ang ginang ng silver cleaner.

Agad isinugod sa Metropolitan Hospital ang biktima ngunit dakong alas-9:24 ng gabi ay nalagutan ito ng hininga.

(RENE CRISOSTOMO)

54

Related posts

Leave a Comment