MMDA EMPLOYEE PATAY SA RUSSIAN ROULETTE

TAGAYTAY CITY – Patay ang isang empleyado ng Metro Manila Development Authority (MMDA) nang umano’y mabaril ang sarili habang lasing at naglalaro ng ‘Russian roulette’ sa lungsod noong Sabado ng gabi.

Kinilala ang biktimang si alyas “Alexander”, ng Barangay Patuto Malaki, Tagaytay City.

Ayon sa ulat, dakong alas-11:30 ng gabi nang madiskubre ang biktima na duguan at wala nang buhay ng kanyang asawa at anak sa loob ng kanilang bahay.

Una rito, lasing umano ang biktima habang nilalaro ang gatilyo ng kanyang Taurus caliber 9mm na baril ngunit biglang pumutok na nagresulta sa kanyang kamatayan.

(SIGFRED ADSUARA)

38

Related posts

Leave a Comment