P.5-M PATONG SA ULO NG ‘KILLER’ NG OIC TSERMAN

LAGUNA – Nag-alok ng P500,000 halaga ng pabuya kapalit ng impormasyon para sa ikaaresto ng mga suspek na pumatay sa acting barangay chairman na si Mario Jun Cogay sa Barangay Canlubang sa Calamba City.

Ang nasabing halaga ay mula kay Calamba Mayor Roseller Rizal.

Nagsasagawa na ng parallel investigation ang tanggapan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Calabarzon hinggil sa insidente.

Magugunitang binaril si Cogay sa harap ng kanyang bahay noong Biyernes ng umaga.

Sinabi ni Maj. Nilo Morallos, deputy chief ng CIDG-Calabarzon, isang special investigating team ang binuo para sa masusing imbestigasyon at inatasang makipag-ugnayan sa mga lokal na awtoridad.

“Ang napatay na punong barangay ay isang halal na opisyal ng gobyerno. That’s why the case will be automatically investigated by the CIDG-Laguna,” sabi ni Morallos.

(NILOU DEL CARMEN)

40

Related posts

Leave a Comment