MOST WANTED SA BULACAN ARESTADO SA BASECO

ARESTADO ng mga awtoridad sa Baseco Compound sa Port Area, Manila ang isang 20-anyos na hinihinalang tulak ng ilegal na droga na pinaghahanap sa San Jose del Monte, Bulacan, makaraan ang mahigit tatlong taon.

Kinilala ang nadakip na si James Maliclic, naninirahan sa Brgy. 649, Baseco Compound, Port Area, Manila, nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Batay sa ulat na isinumite ni Police Captain Mel Soniega kay Police Lieutenant Colonel Emmanuel “Mike” Gomez, station commander, bandang alas-11:30 ng umaga nang arestuhin ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Ma. Cristina Geronimo Juanson, ng Branch 5, Family Court ng San Jose Del Monte, Bulacan.

(RENE CRISOSTOMO)

53

Related posts

Leave a Comment