PCG MAGPAPATRULYA SA BENHAM RISE

NAGPADALA ng barko ang Philippine Coast Guard (PCG) para magpatrolya sa loob ng dalawang linggo sa Benham Rise.

Simula ngayong araw, magpapatrolya ang BRP Gabriela Silang sa Batanes at Benham Rise batay sa kautusan ni PCG Commandant, CG Admiral Ronnie Gavan.

Ang two-week mission ng BRP Gabriela Silang ay matapos mamataan ang ilang Chinese vessel noong nakaraang linggo na tila nagsasagawa ng kakaibang aktibidad sa naturang karagatan.

Ang PCG vessel ay magsasagawa ng maritime domain awareness, paiigtingin ang presensya ng Coast Guard sa Northern Luzon, at imo-monitor ang hanapbuhay ng lokal na mga mangingisda.

Samantala, ang air assets ng Coast Guard Aviation Force ay naka-standby para sa posibleng ‘augmentation’ lalong-lalo na sa aerial surveillance.

(JOCELYN DOMENDEN)

78

Related posts

Leave a Comment