MT. KANLAON NAGTALA NG 8 PAGYANIG

MULING nag-alboroto ang Bulkang Kanlaon na nakapagtala ng walong volcanic earthquakes sa nakalipas na magdamag, iniulat kahapon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs dahil sa pagyanig, itinaas sa alert level 1 ang paligid ng bulkan.

Sinabi pa ng Phivolcs, bahagyang natatakpan ng ulap ang bulkan at namataan ang pamamaga nito.

Kaugnay nito, sinabi ng ahensya na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa apat na kilometrong (4 km) radius Permanent Danger Zone (PDZ) sa paligid ng bulkan dahil sa banta ng biglaang pagputok nito.

Ayon pa sa Phivolcs, mahigpit ding ipinagbabawal ang pagpapalipad ng anomang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan.

(PAOLO SANTOS)

41

Related posts

Leave a Comment