MUKHA NG OBRERO KINARET NI LOLO

CAVITE – Nilalapatan ng lunas sa Tagaytay Hospital ang isang 44-anyos na construction worker makaraang tagain ng karet ang mukha nito ng kanyang kapitbahay na isang senior citizen habang naglilinis ng kalat sa Tagaytay City noong Lunes ng umaga.

Kinilala ang biktimang si alyas “Virgilio”, ng Brgy. Sungay West, Tagaytay City, inoobserbahan sa ospital dahil sa taga ng karet sa mukha.

Isinugod din sa nasabing ospital ang suspek na si alyas “Rai”, 77, ng Brgy. Sungay West, Tagaytay City, dahil sa saksak sa kamay.

Ayon sa ulat, dakong alas-8:30 ng umaga nang mangyari ang insidente sa Santa Monica, Brgy. Sungay West, Tagaytay City.

Habang abala umano ang biktima sa paglilinis ng nalaglag na mga dahon ng niyog nang dumating ang suspek na armado ng karet at walang sabi-sabing tinaga ito sa mukha.

Tinangka naman ng biktima na dumepensa sa sarili at sinaksak naman ang suspek sa kamay.

Hindi naman inilagay sa report kung ano ang pinag-awayan ng dalawa at kung bakit sinugod ng suspek ang biktima.

(SIGFRED ADSUARA)

37

Related posts

Leave a Comment