LADY TRADER PATAY SA HOLDAP SA LAGUNA

LAGUNA – Patay ang isang babaeng negosyante na may-ari ng isang stall sa public market, matapos na tangkaing holdapin ng riding in tandem sa bayan ng Siniloan sa lalawigan noong Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Lydia Susondoncillo Platero, ng nabanggit na lugar.

Ayon sa report ng Siniloan Police, dakong alas-6:20 ng gabi, sakay ang biktima ng tricycle na minamaneho ng isang kaanak at pauwi mula sa public market, nang harangin ang mga ito ng mga suspek na magkaangkas sa isang orange na motorsiklo sa Brgy. Mendiola at bumaba ang backrider.

Nakuhanan pa ng CCTV sa lugar nang tinangkang agawin ng backrider ang bag ng ginang na naglalaman ng perang nasa P200,000.

Nang pumalag ang biktima, tinangka ng driver na patakbuhin ang tricycle ngunit binaril ng gunman ang ginang.

Mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Famy, Laguna matapos ang krimen.

Isinugod naman sa General Cailles Hospital sa Pakil ang biktima subalit idineklarang dead on arrival ng doktor.

Base sa nakalap na kuha ng CCTV ng pulisya, galing sa bayan ng Famy ang mga suspek at nagtungo sa bahagi ng palengke kung saan inabangan at sinundan ng mga ito ang biktima.

(NILOU DEL CARMEN)

59

Related posts

Leave a Comment