MURDER SUSPECT PATAY SA SHOOTOUT SA LAGUNA

LAGUNA – Patay ang suspek sa pagpaslang sa isang tricycle driver matapos na manlaban sa mga awtoridad sa isinagawang hot pursuit operation sa Calamba City noong Huwebes ng gabi.

Ayon sa report ng Laguna Police Provincial Office, nasundan ng intelligence operatives ng Calamba City Police Station ang suspek na kinilala lamang sa pangalang “Benjo”, sa pinagtataguan nito sa Purok 7, Brgy. Parian dakong alas-8:25 ng gabi matapos pagbabarilin nito ang kanyang biktima noong madaling araw ng Huwebes.

Subalit nang aarestuhin na ito, imbes na sumuko, pinaputukan nito ang mga miyembro ng arresting unit na nauwi sa palitan ng putok na ikinamatay ng suspek.

Nauna rito, nagkasa ng hot pursuit operation ang mga pulis matapos na pagbabarilin ng naturang suspek ang 41-anyos na tricycle driver na si Frederick Capili Tagle habang nagmamaneho dakong alas-3:00 ng madaling araw noong Huwebes sa service road ng Brgy. San Jose sa nasabi ring lungsod.

Dead on the spot ang biktima habang tumakas ang suspek na si Benjo makaraan ang pamamaril.

Dakong alas-7:00 naman ng gabi, may nakapag-tip na testigo sa pulisya hinggil sa kinaroroonan nito na humantong sa engkwentro na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.

(NILOU DEL CARMEN)

56

Related posts

Leave a Comment