NA-DOUBLE CROSS SA SMUGGLED YOSI 1 PATAY, 1 SUGATAN

ZAMBOANGA DEL SUR – Patay ang isang lalaki habang sugatan ang kasama nito matapos na pagbabarilin ng grupo ng mga suspek na umano’y kanilang katranskyon o kasosyo sa hinihinalang puslit na mga sigarilyo sa Pagadian City sa lalawigan.

Ayon sa report ng Pagadian City Police, nangyari ang pamamaril sa Pajares Avenue, Barangay San Jose, noong Linggo ng gabi nang makipagkita ang mga biktima sa kanilang mga ‘kasosyo’.

Kinilala ang napatay na si Abdul John Amerol Sali, 39, habang sugatan si Nurhan Hadjarani Saruddin, 31-anyos.

Ayon sa report ng Pagadian City Police Office, narinig ng ilang saksi na nagtatalo ang mga biktima at ang mga suspek hinggil sa partehan sa kanilang kita sa ‘negosyo’ ng mga sigarilyong mula sa Indonesia.

Ilang saglit lamang at biglang nagkaputukan at tinamaan ang mga biktima na ikinamatay ni Sali.

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang mga suspek lulan ng gray na Toyota Innova.

(NILOU DEL CARMEN)

43

Related posts

Leave a Comment