4 ESKWELAHAN SA LAGUNA BINULABOG NG BOMB THREAT

LAGUNA – Nakansela ang klase sa apat na elementary at high school sa San Pedro City noong Lunes dahil sa bomb threat.

Ayon sa San Pedro Police, agad humingi ng tulong ang barangay officials matapos makatanggap ng mensahe ang mga eskwelahan sa kanilang mga Facebook page mula sa isang nagpakilalang “Vamir Muhhamad” na nagbabantang may sasabog na mga bomba.

Kabilang sa mga eskwelahan na nakatanggap ng bomb threat ay ang Pacita 1 Elementary School, Pacita National High School, Landayan Elementary School, at Chrysanthemum Elementary School na pawang nasa Brgy Pacita 1.

Agad namang nagsagawa ng inspeksyon ang pulisya ngunit wala namang nakitang anomang bomba at pampasabog sa lahat ng nabanggit na mga paaralan.

(NILOU DEL CARMEN)

81

Related posts

Leave a Comment