Nabitiwan ng inang angkas sa motor SANGGOL NAPISAK SA TRUCK

NEGROS OCCIDENTAL – Namatay isang 7-buwang gulang na sanggol na babae  nang maipit ng dump truck matapos na mabitiwan ng kanyang nanay habang lulan ng motorsiklo sa national highway sa Brgy. Payao, sa bayan ng Binalbagan sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng umaga.

Ayon sa report ng Binalbagan Police, galing sa infirmary clinic ang mag-anak at ipina-check-up ang biktima at pauwi na sa bahay habang lulan motorsiklo na minamaneho ng ama nang mangyari ng insidente.

Nag-overtake umano sa kanang side ng truck ang motorsiklo subalit sumabit ang mga ito sa isang pedestrian na naglalakad sa gilid ng kalsada.

Nawalan ng kontrol sa manibela ang tatay at gumewang ang motorsiklo kaya nahulog ang biktima.

Hindi naman naiwasan ng paparating na truck ang biktima na pumailalim sa sasakyan at naipit na agad nitong ikinamatay. (NILOU DEL CARMEN)

61

Related posts

Leave a Comment