NAGPANGGAP NA MTPB PARA MANGOTONG, TIKLO

KALABOSO ang isang umano’y delivery rider makaraang mabuking ng mga awtoridad na isa palang pekeng miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) habang nagmamando ng trapiko sa Pedro Bukaneg Street, malapit sa Roxas Boulevard, sa Malate, Manila.

Kinilala ang suspek na si Lloyd Tolentino, 27-anyos, sinampahan ng kasong robbery extortion at paglabag sa Article 179 ng Revised Penal Code (Usurpation of Authority).

Base sa ulat ni Police Staff Sergeant Samuel Cayabyab na isinumite kay Police Lieutenant Colonel Nelson Cortez, commander ng Manila Police District – Malate Police Station 9, bandang alas-6:00 ng gabi, isang complainant ang nagreklamo hinggil sa isang unipormadong MTPB member na tinangka umanong kunin ang kanyang driver’s license dahil sa paglabag sa batas trapiko.

Sinabi umano ng suspek na ayusin na lamang nila ang problema para makauwi na siya at upang hindi na matiketan.

Humingi umano ito ng halagang P200 naging dahilan upang ireklamo ng complainant ang nasabing suspek na nagresulta sa pagkakaaresto nito.

(RENE CRISOSTOMO)

28

Related posts

Leave a Comment