NAHULI-CAM! FOOD DELIVERY DRIVER KINUYOG

LUCENA CITY – Kinuyog at pinagtulungang bugbugin ng limang hindi kilalang kalalakihan ang isang food delivery rider sa isang gasolinahan sa lungsod.

Noong Lunes hapon, nagharap ng reklamo sa Lucena Police Station ang biktimang si Reynaldo Calisay, 30, Food Panda delivery rider.

Ayon dito, bago ang pagbugbog sa kanya noong Linggo ng tanghali ay may nakasagutan siya sa kalsada dahil sa simpleng traffic incident habang sakay ng kanyang bisikletang ginagamit sa pag-deliver ng pagkain.

Nabatid sa imbestigasyon ng Lucena Police at base sa kuha ng CCTV ng gasoline station, nakahinto ang biktima sa cashier booth at may kausap na isang babae.

Subalit nang papaalis na ito ay bigla na lamang sumugod ang mga suspek at pinagtulungan itong bugbugin.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya at inaalam ang pagkakakilanlan ng mga suspek na nahaharap sa kasong physical injuries. (NILOU DEL CARMEN)

29

Related posts

Leave a Comment