NAMITAS NG KAIMITO NAKURYENTE

CAVITE – Patay ang isang lalaki nang mahawakan nito ang linya ng kuryente habang namimitas ng bunga sa puno ng kaimito sa bayan ng Naic sa lalawigan noong Martes ng umaga.

Kinilala ang biktimang si alyas “Jilan”, nasa hustong edad, ng Brgy. Palangue Central, Naic, Cavite.

Ayon sa ulat, dakong alas-11:00 ng umaga nang mangyari ang insidente sa Iglesia Compound sa Brgy. Palangue Central, Naic, Cavite.

Napag-alaman, nagpaalam umano ang biktima sa kapatid na aakyat ito sa puno ng kaimito para manguha ng bunga ngunit pinagbawalan ito.

Gayunman, umakyat pa rin sa puno ang biktima upang mamitas ng bunga.

Ngunit pagbalik ng nakatatandang kapatid sa lugar ay nadiskubre na lamang nito ang biktima sa paanan ng puno at wala nang buhay.

Ayon sa ilang saksi, aksidente umanong nahawakan ng biktima ang isang live wire habang namimitas ito ng bunga.

(SIGFRED ADSUARA)

28

Related posts

Leave a Comment