DEMOLITION TEAM INATAKE NG ARMADONG GRUPO

PAMPANGA- Naging marahas ang demolisyon sa lupang ini-award sa mga magsasaka ngunit binawi ng gobyerno matapos madiskubre na ibinenta ng mga benepisyaryo na isang paglabag sa kasunduan.

Ayon sa report, armado ng iba’t ibang kalibre ng baril at armas ay inatake ng armadong grupo ang demolition team at maging ang mga kagawad ng pulisya na nagresulta ng pagkasugat ng ilan.

Ayon kay Sheriff Beth Marasigan ng Department of Agriculture (DAR), hindi awtorisadong magdala ng armas ang mga nagsasagawa ng demolisyon at hindi umano nila inaasahan na magiging marahas ito sa kabila ng napagkasunduan sa panig ng legal na may-ari ng lupa at ng beneficiaries na sila na mismo ang gigiba sa sarili nilang tahanan.

Matatandaang ang lupain sa Sitio Balubad, Angeles City ay ini-award sa mga magsasaka noong 1998 upang taniman ngunit matapos ang ilang taon ay ibinenta at ginawang commercial establishment na labag sa isinasaad ng ipinagkaloob na Certificate of Land Owners Award (CLOA). Dito na nakialam ang Korte Suprema at binawi ang lupa at ibinigay sa developer na Clarkhills na siyang legal ngayong nagmamay-ari.

(RUDY SIM)

47

Related posts

Leave a Comment