Natutulog pinukol ng speaker KUYA PATAY SA SAKSAK NI UTOL

CAVITE – Patay ang ang isang lalaki makaraang pagsasaksakin ng nakababatang kapatid na nagalit matapos na batuhin ng biktima ng speaker habang natutulog sa bayan ng Tanza sa lalawigan noong Huwebes ng gabi.

Isinugod sa ospital ang biktimang si alyas “Marvic”, 37, ngunit idineklarang dead on arrival dahil sa tama ng mga saksak mula sa nakababatang kapatid na si alyas “Marvin”, 36-anyos.

Napag-alaman, habang natutulog si Marvin sa kanilang bahay sa Brgy. Amaya 6, Tanza dakong alas-8:00 ng gabi nang dumating ang biktima na binato ng speaker ang nakababatang kapatid.

Naalimpungatan umano ang suspek naging dahilan ng kanilang pagtatalo hanggang saksakin nito ang biktima.

Agad namang sumuko sa mga barangay tanod ang suspek makaraan ang insidente.

(GENE ADSUARA)

60

Related posts

Leave a Comment