NPA NALAGAS SA SAGUPAAN SA GUBAT, SORSOGON

sorsogon

SORSOGON – Isang miyembro ng teroristang grupong New People’s Army ang nalagas sa engkwentro ng mga rebelde at mga tauhan ng PNP at Army sa Sitio Lapinig, Brgy. Togswe, sa bayan ng Gubat sa lalawigan noong Linggo ng gabi.

Ayon sa report ni PLTGen. Rhoderick Armamento, commander ng Area Police Command – Southern Luzon (APC-SL), nagsasagawa ng patrolya ang mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion ng PNP kasama ng PNP-SAF, at mga tauhan ng 31st IB ng Army at iba pang government units, nang makasagupa ng mga ito ang nasa 10 rebelde dakong alas-6:30 ng gabi.

Tumagal ng halos 26 minuto ang labanan at matapos ang putukan ay natagpuang patay ang isang rebelde na kinilala sa pangalang Baltazar/Jonathan Hapa at may mga alyas na “Patrick/Pangga”.

(NILOU DEL CARMEN)

46

Related posts

Leave a Comment