P.3-M SHABU NASABAT SA BUY-BUST

CAVITE – Tinatayang umabot sa P.3 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa arestadong umano’y tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ng Dasmariñas City Police ang suspek na si alyas “Kasa”, ng Brgy. H20, Dasmariñas City.

Ayon sa ulat, dakong alas-9:40 gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang City Drug Enforcement Unit (CDEU) ng Dasmariñas Component City Police Station sa Brgy. H20 sa lungsod na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Nasamsam sa suspek ang dalawang sachet ng umano’y shabu na tinatayang 45 gramo ang timbang at P306,000 ang street value.

(SIGFRED ADSUARA)

52

Related posts

Leave a Comment