P.7-M SHABU HULI SA LADY TULAK

CAVITE – Swak sa kulungan ang isang dalagang umano’y tulak at nasa listahan ng high value individuals (HVIs) ng pulisya, makaraang makumpiskahan ng tinatayang P.7 milyong halaga ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City sa lalawigan noong Huwebes ng madaling araw.

Nasa kustodiya na ng Dasmariñas Component City Police Station ang suspek na si alyas “Maylina”, 52, dalaga, ng Barangay San Lorenzo Ruiz 2, Dasmariñas City.

Ayon sa ulat, dakong alas-4:30 ng madaling araw, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Drug Enforcement Team ng Dasmariñas CPS sa Barangay San Lorenzo Ruiz 2 ng naturang lungsod na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas “Maylina”.

Nakumpiska sa suspek ang tinatayang 107 gramo ng hinihinalang shabu na may standard market value na P727,600.

(SIGFRED ADSUARA)

29

Related posts

Leave a Comment