P1.2-M UKAY-UKAY NASABAT SA MATNOG PORT

TINATAYANG umabot sa P1.2 milyong halaga ng hindi dokumentadong used clothes o ukay-ukay ang nasabat ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Customs (BOC) sa Matnog Port sa Sorsogon.

Batay sa ulat ng PCG, nadiskubre ang 41 bundles ng mga ukay-ukay sa loob ng isang puting pampasaherong van.

Hinanapan ang mga suspek ng mga dokumento subalit wala umanong

maipakita kaya  kinumpiska ang mga ukay-ukay dahil sa paglabag sa Republic Act No. 4653.

Nasa kustodiya na ng Bureau Of Customs ang naturang sasakyan para sa masusing imbestigasyon. (RENE CRISOSTOMO)

33

Related posts

Leave a Comment