P10K NA ITINAGO SA KAMA TINANGAY NG AKYAT BAHAY

CAVITE – Halagang P500 na lamang mula sa kabuuang P10,000, ang narekober sa isang 31-anyos na ‘vulcanizer’ nang maaresto matapos na looban ang bahay ng isang vendor sa Imus City, sa lalawigang ito, noong Martes ng hapon.

Arestado ang suspek na si Michael John Salvacion y Solo, binata, ng Brgy. Palico 4, Imus City, matapos pasukin ang bahay ni Anthony Parina y Padeenal, 28, ng Brgy. Palico 4, Imus City.

Ayon sa ulat, mahimbing na natutulog ang biktima sa kanyang bahay nang dahan-dahang pumasok ang suspek sa pamamagitan ng pagdaan sa silong patungo sa kusina.

Mahimbing pa ang tulog ng biktima nang tangayin ng suspek ang cellphone nito na nagkakahalaga ng P7,000, at P10,000 cash na isiniksik sa ilalim ng kanyang  higaan.

Subalit nagising ang biktima bago nakatakas ang suspek dakong alas-5:15 ng umaga, kaya namukhaan niya ito.

Humingi ng tulong ang biktima sa kanilang barangay na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek dakong alas-4:30 ng hapon sa Brgy. Palico 4, Imus City, at narekober ang tinangay na cellphone subalit P500 cash na lamang ang nabawi. (SIGFRED ADSUARA)

114

Related posts

Leave a Comment