P146.2-M ILLEGAL DRUGS NASAMSAM SA ZAMBOANGA

TINATAYANG P146.2 milyong halaga ng illegal drugs ang nakumpiska ng mga operatiba ng pamahalaan sa isang operasyon sa Zamboanga City noong Huwebes ng gabi.

Ang operasyon ay isinagawa ng magkasanib na pwersa ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency 9 o PDEA-9, CIDG, at ng Zamboanga City Police Office.

Ayon sa PDEA, umabot sa 21 kilos ang timbang ng nakumpiskang illegal drugs mula sa apat na mga suspek sa isinagawang entrapment operation sa Barangay Mampang.

Ayon sa mga awtoridad, ito ang pinakamalaking bulto ng drugs na nasamsam sa isang entrapment operation lang sa nakalipas na dalawang taon.

Nasa kustodiya na ng PDEA-9 ang naarestong mga suspek na nahaharap sa mga kaso.

(NILOU DEL CARMEN)

28

Related posts

Leave a Comment