P3.4-M SHABU NASAMSAM SA MALL PARKING AREA SA BACOOR

CAVITE – Tinatayang mahigit sa P3 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa arestadong isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa buy-bust operation sa parking area ng kilalang mall sa Bacoor City noong Huwebes ng hapon.

Kasong paglabag sa Section 5, Art. II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang kinahaharap ng suspek na si alyas “Alim”.

Ayon sa ulat, dakong ala-1:35 ng hapon, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Agency Regional Office (PDEA RO) IV-A, PDEA Cavite Police Provincial Office (PPO) at Bacoor CPS sa rear parking lot ng isang mall sa Brgy. Molino III, Bacoor City, na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Nakumpiska mula sa suspek ang tinatayang 500 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P3,4000,000 at isang cellphone.

(SIGFRED ADSUARA)

38

Related posts

Leave a Comment