P4.8-M SHABU, PARTY DRUGS NASABAT SA ANGELES CITY

MAHIGIT P4.8-milyong halaga ng iba’t ibang klase ng droga ang nakumpiska ng pinagsanib na mga operatiba ng Angeles City Police-Drug Enforcement Unit at City Intelligence Unit ng Angeles City Police Office, sa arestadong dalawang indibidwal kabilang ang isang Chinese national, sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Malabanias sa lungsod noong Miyerkoles ng hapon, Abril 24.

Kinilala ni Angeles City Police Office director, PCol. Amado Mendoza ang dalawang suspek na sina Leslie Sumabal Acunin, alyas “Lexie,” 19, at Chinese national na si Zhe Huang, 30-anyos.

Sinabi ni Mendoza, nakumpiska sa dalawa ang 87 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P591,600; dalawang kilo ng party drug Ecstasy (kulay asul), P4,000,000; chewable Ecstasy (kulay na dilaw); 12 pakete ng Ecstasy (kulay orange), P24,000; 14 pakete ng chewable Ecstasy (kulay orange), 28,000; 35 gramo (7 pakete) ng Ketamine (asin), P50,000; 35 gramo (7 pakete) ng Ketamine (crystal), P60,000; at isang kahon ng liquid marijuana vape na nagkakahalaga ng P54,000.

Ang nasabing mga droga ay may kabuuang halaga na P4,807,600.

Kapwa arestado ang mga suspek sa buy-bust operation sa parking lot ng isang hotel sa Don Juico Avenue, Brgy. Malabanias, Angeles City, at dinala sa Police Station 4.

(ELOISA SILVERIO)

38

Related posts

Leave a Comment