P442K SHABU NASABAT SA HVI

CAVITE – Halos kalahating milyong pisong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa isang hinihinalang tulak na nasa listahan ng High Value Individuals (HVIs) ng pulisya, sa buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Sabado ng gabi.

Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Andoy”, nasa hustong edad, ng Brgy. Burol 3, Dasmariñas City, Cavite.

Ayon sa ulat, dakong alas-8:40 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang City Drug Enforcement Unit (CDEU) ng Dasmariñas City Police sa Brgy. Buro 3 sa lungsod, na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Nakumpiska sa suspek ang pitong sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang 65 gramo at may street value na P442,000.

(SIGFRED ADSUARA)

47

Related posts

Leave a Comment