LASING TINAGA NG MISIS NG KATAGAY

QUEZON – Tinaga sa mukha at likurang bahagi ng ulo ang isang lasing na lalaki ng misis ng nakaaway nitong kainuman sa bayan ng General Nakar sa lalawigan noong Miyerkoles ng hapon

Nakaratay ang biktima sa PGH Hospital sa Cabanatuan City, Nueva, Ecija kung saan ito isinugod ng kanyang mga kaanak.

Ayon sa report ng General Nakar Police, nangyari ang insidente sa malayo at bulubunduking lugar ng Sitio Dinigman, Brgy. Canaway, General Nakar.

Nag-iinuman umano ang biktimang si Joseph, 36, at ang mister ng suspek na si Jeanly, nang maghamong ng suntukan ang una.

Sa kasagsagan ng away ng dalawang lalaki, dumating si Jeanly na may dalang itak at pinagtataga ang kaaway ng kanyang mister.

Natigil lamang ang pananaga nang awatin ng kanyang mister ang ginang na mabilis na tumakas.

Pinaghahanap pa ang ginang ng mga awtoridad at nakatakdang sampahan ng kasong frustrated homicide.

(NILOU DEL CARMEN)

 

32

Related posts

Leave a Comment