ININSPEKSYON ng Bureau of Customs – Manila International Container Port (BOC-MICP) ang mga bodega sa Caloocan City at Bulacan, kung saan nadiskubre ang smuggled at counterfeit goods na nagkakahalaga ng P7.3 billion.
Kabilang sa mga natuklasan sa joint operation inspection ng BOC-MICP, PNP, local LGUs, ang iba’t ibang smuggled goods, underwear, medyas, at iba’t ibang paninda, kabilang din ang mga pekeng kitchenware, appliances, apparel, toys, computer accessories, at cosmetics.
Posible umanong maharap sa kasong paglabag sa Intellectual Property Code of the Philippines (RA 9283), at Customs Modernization and Tariff Act (RA 10863) ang mapatutunayang mga sangkot sa pag-import ng mga counterfeit na gamit at smuggled goods.
Nangako naman ang BOC na patuloy silang magiging mahigpit sa pagpapatupad ng batas lalo na ang anti-smuggling at border protection mandates at ng revenue collection at trade facilitation.
(JOCELYN DOMENDEN)
96