P8.1-M TAKLOBO NASAMSAM NG COAST GUARD

UMABOT sa P8.1 milyong halaga ng taklobo o giant clam shells ang nabawi ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa isang recovery operation na kanilang isinagawa sa Barangay Sebaring, Balabac, Palawan.

Ayon sa PCG, umabot sa 336 piraso ng fossilized giant clamshell na tinatawag ding “manlet” na nagkakahalaga P8.1 milyon, ang kanilang nasamsam at ibinigay sa pangangalaga ng local government unit kahapon.

Hindi naman matukoy ng PCG kung sino ang may-ari ng narekober na suspected poach giant clams na natunton ng Coast Guard Station South Western Palawan, Coast Guard Intelligence Group Palawan, Coast Guard Substation Bancalaan, Philippine Council for Sustainable Development (PCSD), at local government unit sa Brgy. Sebaring.

Ayon sa mga awtoridad, “The harvest, possession, and sale of taklobo is prohibited under Republic Act 10654 or ‘An Act to Prevent, Deter and Eliminate Illegal, Unreported and Unregulated Fishing’ that amended RA 8550 or ‘The Philippine Fisheries Code of 1998’.”

Sinomang lumabag ay maaaring magmulta ng hanggang P3 milyon at makukulong ng walong taon, ayon sa batas.

(JESSE KABEL RUIZ)

37

Related posts

Leave a Comment