PAGLABAS NG IRR NG 2 BATAS NAGRESULTA NG MARAMING TRABAHO – REP. NOGRALES

PINURI ng chair ng House of Representatives’ Labor and Employment Committee ang Marcos administration sa kanilang patuloy na pagsisikap sa paggawa ng mga trabaho para sa mga Pilipino.

Ito ay matapos na bumaba ang unemployment rate ng bansa sa 3.5 percent noong Pebrero mula sa 4.5 percent noong Enero, ayon sa February 2024 Labor Force Survey (LFS).

Nauna rito, ang unemployment rate noong Pebrero ng nakaraang taon ay 4.8 percent.

“The results of the latest LFS are testament to the continued efforts of the present administration to create jobs and lift Filipinos out of poverty. I am confident that in the months to come we will see sustained progress and more and more of our fellow Filipinos finding employment,” ani Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang bilang ng walang trabahong Pilipino ay bumaba sa 1.80 million mula 2.47 million, at 2.15 million unemployed persons noong Pebrero 2023 at Enero 2024.

Idinagdag pa ng PSA, ang unemployment rate sa panahon ng buwang ito ay ikalawa sa pinakamababang record mula noong 3.1 percent noong Disyembre 2023.

Sinabi pa ni Nograles, sa paglabas ng implementing rules and regulations kamakailan ng mga batas na tulad ng Public-Private Partnership (PPP) Code at Trabaho Para sa Bayan Act, ang bansa ay nakakita ng mas maraming trabaho.

“I believe the implementation of these laws will result in the creation of more, higher-quality jobs for Filipinos. Naniniwala din ako na makakaasa tayong magpapatuloy ang pag-arangkada ng imprastruktura, turismo, pabahay, at agrikultura na major job-generating sectors,” dagdag pa ng mambabatas.

Sinabi rin ni Nograles na ang administrasyon ay maaaring makaasa sa Kongreso sa suporta sa usapin ng lehislasyon na makatutulong sa pagpapabuti sa pagiging mapagkumpitensya at kakayahang magtrabaho ng mga Pilipino.

“Congress, under the leadership of Speaker Martin Romualdez, is an ever-ready partner of this government in its drive to reduce poverty by giving jobs to the people. Patuloy po tayong magpapasa ng mga batas na makakatulong sa pagbigay ng bentahe sa mga kababayan natin sa kanilang kabuhayan,” ayon pa sa kanya.

Ang economic managers ng bansa ay nanawagan sa pagpasa ng Enterprise Productivity Act, the Apprenticeship Bill, At Lifelong Learning Bill, na makatutulong sa pagpapahusay ng paghahanda at kakayahang magtrabaho ng mga Pilipino para sa kalidad na mga oportunidad sa trabaho.

(JOEL O. AMONGO)

38

Related posts

Leave a Comment