P445-M AGRI DAMAGE NG EL NIÑO SA CORDILLERA

TINATAYANG umabot sa P444.94 milyong halaga ng pinsala sa agrikultura ang naitala sa rehiyon ng Cordillera noong Marso 22 dahil sa tagtuyot, ayon sa ulat mula sa regional na tanggapan ng Department of Agriculture (DA) noong Huwebes.

Ayon sa ulat ni DA-Cordillera Director Jennilyn Dawyan, karamihan sa mga pinsala ng tagtuyot ay sa yellow corn para sa feeds ng mga hayop, at bigas.

Aniya, 5,896 na magsasaka ng mais ang nagtala ng pagkawala ng produksyon na halos P411.34 milyon habang 1,912 na magsasaka ng palay ang nagtala ng kabuuang pagkawala ng produksyon na halos umabot sa P33.38 milyon.

Ayon pa sa DA bukod dito, 62 mangingisda rin ang naapektuhan, na may kabuuang pagkawala ng produksyon na 1,470 kg. ng isda na nagkakahalaga ng P226,090.

Nabatid na ang Ifugao ay may pinakamaraming pinsala na nagkakahalaga ng tinatayang P232.12 milyon, na sinundan ng Mountain Province, P160.51 milyon; Kalinga, P51.14 milyon; Abra, P591,880; at Benguet, P323,910.

Idinagdag pa sa ulat, sinabi ni Dawyan na humingi sila ng tulong sa iba’t ibang ahensya at lokal na pamahalaan sa rehiyon para sa tulong sa mga magsasaka na apektado ng El Niño.

“In-update namin ang master list na nagsasama ng bilang ng mga magsasaka na apektado bilang batayan para sa pag-endorso sa DSWD (Department of Social Welfare and Development) at sa DOLE (Department of Labor and Employment) para sa posibleng interbensyon,” aniya.

Sinabi ni Dawyan, ang mga katapat sa provincial at municipal government units ay tinapik din hindi lamang para sa monitoring, assessment, at surveillance kundi para tingnan din ang karagdagang tulong sa apektadong mga magsasaka at mangingisda.

(PAOLO SANTOS)

35

Related posts

Leave a Comment