PAGPAPATUPAD NG RIGHTSIZING SA NATIONAL GOVERNMENT, NAPAPANAHON – SEN VILLANUEVA

SA layuning mapaganda pa ang serbisyo ng gobyerno, iginiit ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang pangangailangan ng rightsizing o pagsasaayos sa bilang ng mga empleyado sa national government.

Layon ng Senate Bill 2502 o ang proposed National Government Rightsizing Act ni Villanueva na matiyak ang tamang paggalaw ng mga ahensya ng gobyerno.

Kasama rin sa panukala ang pagpapaubaya sa pribadong sektor o sa mga lokal na pamahalaan ng mga gawain o programa na kaya nilang gawin at hindi na kailangan ng pagkilos ng national government.

Nakasaad din sa panukala ang regular na pagrerebisa sa mga pangangailangang staff ng gobyerno upang matugunan ang lumalaking bilang ng non-permanent government workers sa kabila ng mga bakanteng permanent positions.

Batay din sa panukala, ililipat o kaya naman ay pagsasamahin sa isang ahensya ang mga tungkulin na kaya namang gawin ng isang departamento.

Nilinaw naman ni Villanueva na ang rightsizing ay hindi nangangahulugan ng downsizing at bagkus ay inilalagay lamang sa tamang posisyon, mandato at mga programa ang bawat ahensya at mga tauhan ng national government.

(DANG SAMSON-GARCIA)

85

Related posts

Leave a Comment