PANGAMBA SA BIRD FLU PINAHUPA NG DOH

INIHAYAG ng Department of Health (DoH) na hindi dapat katakutan ang bird flu dahil hindi naman ito karaniwang naipapasa sa mga tao.

Ayon sa DOH, nakipag-ugnayan na sila sa Department of Agriculture at iba pang ahensya ng gobyerno kaugnay ng naitalang kaso ng bird flu sa hayop na naitala na sa ibang mga bansa kabilang na ang Pilipinas .

Ngayong taon, nakapagtala na ng hindi bababa sa anim na kaso ng bird flu sa bansa, ayon sa DA.

“Hindi para dapat mabahala, itong H5N1 it has been happening in certain part of the glove, panaka-naka–hindi siya nagtuloy-tuloy, hindi siya dumadami pero kailangan pa rin talaga maghanda tayo at saka alam ng ating kababayan paano ma-prevent,” sabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire.

Ayon sa World Health Organization (WHO), maaaring magdulot ng malalang sakit ang H5N1 at may mataas na mortality rate.

Batay naman sa ulat, hindi madaling maihawa ang nasabing sakit sa tao at hindi karaniwang naipapasa ang virus sa kapwa.

Ang pahayag na ito ay kasunod ng ulat na isang 11-anyos ang tinamaan ng unang kaso ng virus sa tao sa Cambodia mula noong 2014. (RENE CRISOSTOMO)

36

Related posts

Leave a Comment