Para sa ika-159 kaarawan ni Bonifacio ILANG KALSADA SA CALOOCAN ISASARA

INIHAYAG ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan kung anu-ano ang isasarang mga daan mula alas-10:00 ng gabi nitong Nobyembre 29, at mga alternatibong ruta bilang bahagi ng paggunita sa ika-159 kaarawan ni Andres Bonifacio sa Nobyembre 30.

Isasara ang Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) mula Bonifacio Monument Circle (BMC) hanggang Serrano; mula Gen. Simon hanggang BMC. Hindi rin maaaring daanan ang Samson Road mula BMC hanggang Villarosa St.; mula New Abbey Road hanggang BMC.

Bukod dito, sarado rin ang Rizal Avenue mula BMC hanggang 10th Avenue, parehong linya, at McArthur Hi-way mula BMC hanggang Calle Cuatro, parehong linya.

Kung patungong EDSA, maaaring gamitin ang B. Serrano o Biglang Awa.  Kung galing naman ng EDSA patungong Valenzuela, Malabon at Navotas, gamitin ang Gen. Simon at kumaliwa sa Calle Cuatro.

Kapag galing ng Valenzuela patungong Caloocan, maaaring dumaan sa Pascual Ave., kumaliwa sa Araneta Avenue at kumanan sa Caimito Road. (ALAIN AJERO)

43

Related posts

Leave a Comment