PDEA NILINIS PANGALAN NI PBBM SA DROGA

NILINIS ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pangalan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at itinangging kasama ito sa drug watchlist ng ahensya.

Kasunod ito ng naging pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na noong alkalde pa lang siya ng Davao, may ipinakitang ebidensya ang PDEA kung saan nasa listahan ang pangalan ng kasalukuyang Pangulo.

Ayon sa statement na inilabas ng PDEA, naupo bilang mayor ng Davao si Duterte mula 1988 hanggang 1998; 2001 hanggang 2010 at 2013 hanggang 2016, pero ang nasabing ahensya ay na-activate lang noong 2002.

Dagdag pa ng ahensya, matapos nito ay agad na itinaguyod ang National Drug Information System kung saan nakalista rito ang lahat ng pangalan ng drug personalities at iba pang impormasyon at mga hakbang mula sa ibang ahensya ng gobyerno

Ang nasabing sistema ay kasalukuyan pa ring ginagamit ng PDEA ngunit wala umano sa listahan ang pangalan ni Pangulong Marcos.

Mula aniya nang maupo bilang presidente si Duterte ay nagkaroon ito ng tinatawag na narco-list at matapos ang isinagawang validation naging Inter-Agency Drug Information Database na ito pero wala pa rin dito ang pangalan ni Pangulong Marcos.

(JULIET PACOT)

141

Related posts

Leave a Comment