PEDICAB DRIVER PATAY SA TRIKE DRIVER

PATAY ang isang 62-anyos na pedicab driver makaraang saksakin ng trike driver nang magtalo ang mga ito dahil sa pasahero sa Sampaloc, Manila nitong Lunes ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Carlito Cansino habang agad natimbog namang ang suspek na si Alejandro Quequecan, nasa hustong gulang, ng naturang lugar.

Base sa ulat na isinumite ni Det. Gary Reyes kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang alas-6:15 ng umaga nang mangyari ang insidente sa isang eskinita sa Barangay 433 sa Sampaloc, Manila.

Ayon sa salaysay ng dalawang testigo, habang nakapila ang pedicab ng biktima nang dumating ang suspek lulan ng ipinapasada niyang tricycle.

Nagtalo umano ang mga ito dahil sa pasahero hanggang sa saksakin ng suspek ang biktima.

Naisugod pa sa Ospital ng Maynila ang biktima ngunit nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas.

Agad namang nadakip ng mga awtoridad ang suspek sa ikinasang follow-up operation.

(RENE CRISOSTOMO)

37

Related posts

Leave a Comment