BASAG NA BOTE IBINAON SA KAAWAY

SUGATAN ang isang 22-anyos na vendor makaraang saksakin ng basag na bote ng kanyang kaaway noong Linggo ng gabi sa 25th Street, Barangay 653, Port Area, Manila.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Emmanuel “Mike”, Gomez, commander ng Manila Police District – Baseco Police Station 13, ang biktimang si Roman de Leon, binata, residente ng Barangay 649, Baseco Compound.

Agad namang natimbog sa ikinasang “Oplan Galugad” ang suspek na kinilalang si Tony Pangilinan, 21, jobless, ng Port Area, Manila.

Ayon sa ulat ng Port Area Police Community Precinct-4, bandang 12:00 ng gabi nang saksakin ng suspek ang biktima ng basag na bote.

Mabilis namang naisugod ng ilang testigo ang biktima sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center.

Agad na nadakip ang suspek na nahaharap sa kasong frustrated murder.

(RENE CRISOSTOMO)

31

Related posts

Leave a Comment