PHILPOST NAGBABALA VS PACKAGE SCAM

NAGBABALA ang Philippine Post Office sa publiko hinggil sa umano’y mapanlinlang na tawag mula sa mga indibidwal na nagpapanggap na bahagi ng postal corporation.

Ipinahayag ng PhilPost sa kanilang public advisory na hindi ito tumatawag  sa mga kliyente para sa anomang transaksyong pinansyal.

Dahil dito, mahigpit ang pag-iingat ng PhilPost sa mga scammer na ginagamit ang kanilang mga kasanayan sa computer, upang i-configure ang mga tawag at ipakita na ito ay mga lehitimong tawag mula sa Customer Service Hotline ng postal corporation, (02) 8288-7678.

“This official number, however, is being used by the Post Office for the sole purpose of entertaining inbound calls from the mailing public who are tracing the whereabouts of their mail or parcels,” pahayag pa ng pamunuan  ng Post Office .

“It is never used for outgoing or outbound calls for verifications on senders or addressees of postal matters,” dagdag pa nito

Ang babala ay inilabas matapos magtungo ang tatlong pribadong mamamayan kamakailan sa Cebu Post Office upang magtanong tungkol sa kahina-hinalang tawag sa telepono na kinumpirma na “spoofed” o cloned na mga tawag na may end view ng extortion.

Pinayuhan ang publiko ng PhilPost na huwag magbigay ng mga impormasyon sa mga scammer.

Maging sa Department of Information and Communications Technology at National Telecommunications Commission ay ipinagbigay nila ang nasabing scam at pinaiimbestigahan ang mapanlinlang na pamamaraan.

Humingi rin ito ng tulong sa Manila Police District at sa kasalukuyan nitong telephone service provider para matugunan ang sinasabing package scam. (RENE CRISOSTOMO)

205

Related posts

Leave a Comment