PLANO NG BUCOR SA MASUNGI, ‘DI MAKATOTOHANAN

HINDI makatotohanan ang plano ng Bureau of Correction (BuCor) na magtayo ng kanilang headquarter sa Masungi Georeserve dahil parang pagtatayo ito ng palasyo sa buhangin.

Ito ang pahayag ni Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel at kapag itinuloy ng Bucor ang kanilang plano ay magsasayang lang ang mga ito ng pera ng bayan bukod sa sisirain lang ng mga ito ang environmental reserve na ito sa Tanay, Rizal.

“The area is also poorly suited for a government site. The grounds are made of karst limestone which is far from being able to hold up for infrastructure,” dagdag pa ng mambabatas.

Dahil dito, guguho lamang aniya ang gusaling itatayo ng BuCor na isang pagsasayang ng pera ng bayan kapag nagkataon.

Pero ang higit na negatibong epekto aniya ng headquarter na planong itayo ng BuCor, ang pagkasira ng Masungi dahil inaasahan na papatagin ng mga ito ang may 750 ektaryang kabundukan.

Kapag nangyari aniya, mawawalan ng proteksyon ang mga tao sa kapatagan laban sa pagbaha at malalason aniya ang conservation area sa dumi ng tao kapag nagkaroon ng maraming imprastraktura sa Masungi.

(BERNARD TAGUINOD)

35

Related posts

Leave a Comment