PNR HUMINGI NG PANG-UNAWA SA SUSPENSYON NG KANILANG OPERASYON

HUMINGI ng pang-unawa at pasensya si Philippine National Railways Chairman Michael Ted Macapagal kaugnay ng pansamantalang pagtigil ng kanilang operasyon na nagsimula noong Marso 28.

Sa ginanap na Kapihan sa Manila Hotel, sinabi ni Macapagal na panandalian lamang ang suspensyon para na rin sa mas maayos, mabilis na biyahe at ligtas na tren. Aabot sa 5 taon ang konstruksyon ng North-South Commuter Railways (NSCR).

Ayon kay Macapagal, ang suspensyon ay pagbibigay daan sa konstruksyon ng P873.62 biyong halaga ng NSCR na mula sa Clark Freeport Zone sa Angeles City hanggang Metro Manila patungong Calamba City sa Laguna.

Nilinaw ni Macapagal na sinubukan nilang patakbuhin at paganahin ang ilang ruta subalit sa bilis ng konstruksiyon ay kailangan na nilang ipatigil pansamantala ang biyahe ng tren.

“The clanky, diesel fed train will have been replaced by a fleet of electric multiple unit trains each of which is at par with world standards in terms of safety and comfort,” ani Macapagal.

Dagdag pa ni Macapagal, suportado nila ang pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos,Jr. at ni DOTr Secretary Jaime Bautista na solusyunan ang matagal nang problema sa trapiko.

30

Related posts

Leave a Comment