Posibleng nahahaluan ng droga BENTAHAN NG VAPE PINATITIGIL

PATULOY na tinututulan ng chairman ng House Committee on Dangerous Drugs ang pagbebenta ng vape dahil sa impormasyon na may halo umano itong ilegal na droga tulad ng marijuana at liquid shabu.

Dahil dito, hiniling ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers sa vape regulators na sugpuin ang bentahan ng vape sa online shopping app dahil hindi nasusuri ang mga ito kung may halong ilegal na droga.

“Some illegal substances like cannabis oil and liquid shabu were being used as additives to vaping juices; hence, the Vape Law required all contraptions to be closed to avoid adding illegal drugs,” ani Barbers.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na marami na ang nalululong sa vape o e-cigarettes na ipinalit sa sigarilyo, na ayon sa pag-aaral ay mas mapanganib sa kalusugan ng mga gumagamit nito.

Kasabay nito, inatasan ni Barbers ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na sampahan ng kaso ang vape brand na Flava dahil sa paglabag sa regulasyon at tax evasion kung saan inaasahan na makakakolekta ang gobyerno ng P7.2 billion.

“If the Bureau of Internal Revenue (BIR) files and wins a tax-evasion case against Flava Corporation’s estimated P728 million in unpaid excise taxes, the government stands to gain over P7.2 billion,” ayon sa chairman ng nasabing komite.

Sa Republic Act (RA) No. 11900 na nagre-regulate sa Vape Industry, 10 beses ang babayaran ng mga kumpanya ang buwis na hindi nila nabayaran sa gobyerno kaya kailangang ipursige aniya ng BIR ang kasong ito laban sa Flava.

Ayon sa mambabatas, natuklasan sa imbestigasyon ng House Ways and Means Committee na nilabag ng Flava ang mga regulasyon dahil ibinebenta umano nila ang kanilang produkto sa online na ipinagbabawal sa nasabing batas, at tinatayang P728 million ang hindi nila nabayarang buwis kaya nirekomenda ng komite na kanselahin na ang kanilang business permit.

(BERNARD TAGUINOD)

73

Related posts

Leave a Comment