BAHAY NG INDONESIAN PINASOK, HINOLDAP

CAVITE – Tinutugis ng pulisya ang pitong kalalakihang armado ng baril na pumasok sa bahay ng isang Indonesian national, tinutukan ng baril ang mga tao sa loob nito at pinosasan saka tinangay ang cash, gadgets at baril sa bayan ng Kawit sa lalawigan noong Martes ng hapon.

Ayon sa ulat, biglang dumating ang isang puting Toyota Hi-Ace na lulan ang pitong suspek at pumasok sa bahay ng biktimang isang 29-anyos na Indonesian national na nagtatrabaho bilang POGO supervisor, sa Brgy. Magdalo-Potol, Kawit, Cavite.

Dinisarmahan ng mga suspek ang mga guwardiya at pinosasan ang mga tao sa loob ng bahay gamit ang plastic strap saka tinangay ang cellphones, identification cards (ID), isang Taurus caliber 9mm at ‘di pa mabatid na halaga ng cash.

Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang mga suspek lulan ng kanilang sasakyan.

(SIGFRED ADSUARA)

82

Related posts

Leave a Comment