PUGANTENG TAIWANESE TIKLO SA ERMITA

ARESTADO ng mga tauhan ng Fugitives Search Unit (FSU) ng Bureau of Immigration (BI) ang puganteng Taiwanese na wanted sa Taipei dahil sa pagkakasangkot sa large scale fraud.
Kinilala ang suspek na si Yin Chih Chou, 49, nasakote noong Mayo 11 sa kanyang tinitirahan condominium sa Adriatico St., Ermita, Manila.

Batay sa report, si Chou ay may warrant of arrest na inisyu ng Taiwan Hsinchu district prosecutors office bago tumakas papuntang Pilipinas, bunsod ng paglustay sa pera sa kanyang mga biktima

Ayon sa impormasyon, si Chou ay dumating sa bansa noong pang Hulyo 19, 2018, at hindi na umalis hanggang sa ngayon, kung kaya’t ikinokonsidera siya bilang undocumented at overstaying alien. (FROILAN MORALLOS)

112

Related posts

Leave a Comment