PUMATAY SA MAY-ARI NG FEEDS SHOP, ARESTADO

CAVITE – Hawak na ng Cavite Police ang suspek sa pagpatay sa may-ari ng feeds shop na natagpuang nakasilid sa sako na itinapon sa bayan ng Silang sa lalawigang ito, dalawang linggo na ang nakararaan.

Tumanggi pa ang pulisya na pangalanan ang suspek habang inihahanda ang kaukulang kaso, bagama’t kinilala ito bilang si “Nicolo Drew”, 22, ng Amadeo, Cavite.

Sinasabing aminado ang suspek sa pagpatay sa biktimang si Joseph Oliver Ilagan, nasa hustong edad, nang pasukin nito ang tindahan ng feeds upang magnakaw.

Ngunit nakita ito ng biktima naging dahilan upang hatawin ng helmet ng suspek sa ulo si Ilagan, sinakal hanggang sa malagutan ng hininga, isinilid sa sako at itinapon noong Agosto 14.

Sinabi ni Police Col. Ardie Bagaman, hepe ng Silang Police, pagkaraan ay natagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng isang sako sa Brgy. Pooc ng nasabi ring barangay.

Positibo naman ang mga kaanak na ito ay si Ilagan na mahigit isang linggo nang nawawala.

Sa isinagawang follow-up operation ng pulisya at sa nakalap na CCTV footage, nakita ang suspek na pumasok sa tindahan at pagkaraan ay lumabas na may bitbit na sako.

(SIGRED ADSUARA)

237

Related posts

Leave a Comment